Concert at the Park: Musikonsiyerto (Lakas ng Kabataan)

 

Tunghayan ang galing ng mga kabataang musikero ngayong Linggo!
Bilang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan, hatid ng Concert at the Park ang “Musikonsiyerto: Lakas ng Kabataan” tampok ang Republic Brass Band – Youth mula sa San Antonio, Zambales na pinangungunahan ng batang tagakumpas na si Maestro Ean Jayseir Basilio. Ang pagtatanghal ay gaganapin sa ika-13 ng Agosto 2023, 6:00 ng gabi sa Rizal Park Open Air Auditorium. Ito ay libre at bukas sa publiko.
Ang Republic Brass Band ay isa sa pinakamatagal at matagumpay na banda sa Zambales na naitatag noong 1940’s bago ang pangalawang digmaang pandaigdig.
************
Ang Concert at the Park ay ang pinakamatagal na programang isinasagawa ng ahensya mula pa noong 1978. Ito ay itinanghal na Catholic Mass Media Hall of Fame Awardee for Best Cultural Program.